Ang Recipeng Pambayan ni PGMA and The Black Smoke Inside the Supreme Court

March 17th, 20105:54 pm @ elmot

8

334 views





Ang Recipeng Pambayan ni PGMA and The Black Smoke Inside the Supreme Court




Ang Recipeng Pambayan ni PGMA

Kumuha ang isang kutsaritang Garci,
At ihalo sa pinakulong Lintang Bedol
Sa gintong kawa galing China.
Ilublob ang mga retiradong heneral sa
Mga pwesto sa gobyerno, takpan hanggang
Sa muling pagkulo.

Magpiga ng mga health workers at
Ang mapait na katas ay ihalo sa NFA-imported
Na bigas galing Vietnam.

Maghanda sa kabilang pugon
ng kawali, lagyan
Ng mantika at kasinungalingan
Hanggang sa uminit. Igisa ang
Mga aktibista, mga guro, mga
Tuwid na sundalo, mga whistle-blowers
At mga nagbabayad ng tamang buwis
Hanggang sa matusta. Hanguin at ihalo
Sa mga rekado sa gintong kawa.

Idagdag ang ginayat na mga mistah,
At isabay ang dalawang nominadong si
Mikey at Angie kasama ang mga
Kapit-tukong Mercy, Norby at Ronnie.
Patikman sa mga Ampatuan at kay Joj-joc
Kung tama na ang timpla.

Ang panghuling rekado ay magka-krisis
Sa kuryente at mag-emergency powers.
Ihalo ang mga ito sa pinalambot na
Mga mistah at heneral.
At huwag kalimutang ihabol sa
Presidential recipe ang
Pagpili ng Chief Justice.

Tikman.  Hmmm…

Ihanda ang baluktot na kutsara’t tinidor
Para sa halalan, ihahain na ang
lasong recipe ng lipunan.

NOTE:  The Supreme Court with its latest decision approving Arroyo’s power to appoint a Chief Justice in line with the has lost easily thrown into the garbage its integrity to appease the “cute” woman in the Palace after these magistrates were appointed into the highest court of the land.  The dark smoke has been proven today to have seeped through the big crack on the fortified walls of the Supreme Court.  It has transformed itself into nothing but a chamber where the majority always wins, but not necessarily what is true and right.

And that really sucks!

Give Me Some Love, Share This Post:
  • Digg
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Google Bookmarks
  • FriendFeed
  • LinkedIn
  • MySpace
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Yahoo! Buzz
  • Mixx
  • RSS
  • Technorati
  • Twitthis
  • NewsVine
  • Ping.fm
  • Sphinn
  • Wikio

Related Posts







Search for More News, Commentaries Social, Political and Blogging Issues






Subscribe to Receive the Latest Commentaries and Socio-Political News On Your Email Box

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner