
I was listening to the radio a day ago while its commentator was hitting the occupant of the Palace for the many ills of the nation.
And the program ended with the Armida Siguion-Reyna’s Habilin at Tagubilin being played from her CD Pop Lola.
I first thought that it was a commercial for some bath soap or hand wash since the first lines were speaking of washing one’s hand and the background music a little bit cheesy.
But as the poem progressed, it evoked deep emotions about our struggle as a nation and at the same admonitions to continue fighting and not wavering against tyrants and all the social ills we are experiencing.
I am actually looking for its English translation but until now I haven’t found anything yet.
Nonetheless, may this poem Habilin at Tagubilin written by Jose F. Lacaba serve as a reminder for us not to fall trap to lukewarmness but rather always stand up and fight for what is right, what is true and what is good. And this poem has then become one of my favorites.
Habilin at Tagubilin
Isinulat ni Jose “Pete” F. Lacaba
Binigkas ni Armida Siguion-Reyna sa kanyang CD Pop Lola
Musika ni Ryan Cayabyab
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t
huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo.
Mayaman ako sa payo.
Maghugas ka ng kamay bago kumain.
Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain.
Pero huwag
kang maghuhugas ng kamay para lang makaiwas sa sisi.
Huwag kang maghuhugas ng kamay kung
may inaapi
Na kaya mong tulungan.
Paupuin sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol.
Magpasalamat sa
nagmamagandang-loob.
Matuto sa karanasan ng matatanda
Pero huwag magpatali sa
kaisipang makaluma.
Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok.
Huwag pag-aksayahan ng panahon ang
walang utang na loob.
Huwag makipagtalo sa bobo at baka ikaw ay mapagkamalang bobo.
Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw.
Huwag kang manalig sa bulung-bulungan.
Huwag kang papatay-patay sa ilalim ng pabitin.
Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan.
Umawit ka kung nag-iisa sa banyo.
Umawit ka sa piling ng barkada.
Umawit ka kung
nalulungkot.
Umawit ka kung masaya.
Ingat lang.
Huwag kang aawit ng “My Way” sa videoke bar at baka ka mabaril.
Huwag kang magsindi ng
sigarilyo sa gasolinahan.
Dahan-dahan sa matatarik na landas.
Dahan-dahan sa malulubak
na daan.
Higit sa lahat, inuulit ko:
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at
habilin:
Mabuhay ka!
Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya.
Mabuhay ka.
Maraming problema ang mundo na
wala na yatang lunas.
Mabuhay ka.
Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan,
Kung minsan ay gusto mo nang mamatay.
Gusto
mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig.
Gusto mong uminom ng lason kung wala nang
makain.
Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin.
Gusto mong pasabugin ang
bungo mo kung maraming gumugulo sa utak.
Huwag kang patatalo. Huwag kang susuko.
Narinig mo ang sinasabi ng awitin:
“Gising at magbangon sa pagkagupiling,
Sa
pagkakatulog na lubhang mahimbing.”
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.
Ang sabi ng iba: “Ang matapang ay walang-takot lumaban.”
Ang sabi ko naman: Ang tunay na
matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.
Lumaban ka kung inginungodngod ang nguso mo sa putik.
Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan
ka.
Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo
Kahit hindi ka sigurado na
agad-agad kang mananalo.
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at
habilin:
Mabuhay ka!
Image from Tropical Island
jan geronimo
4 days ago
First time I came across this poem. Very good except for the reference to the song My Way. That one is done to death already. But overall the poem is great. It’s really outstanding hearing truths spoken in your native tongue, isn’t it? Iba ang dating. Swak na swak. Gumuguhit at humahalukay sa kaisipan.
elmot
4 days ago
This poem is actually in a CD bro, and when you first hear it, sounds so cheesy. But if you will really pay attention, you will grasp an inspirational message out of the words of the poem.
Tama! Iba talaga ang dating kapag nasa wika natin, may “kabog” ehhehe!
elmot´s last blog ..Showbiz Renegade is Now Open!
Jena Isle
2 days ago
May kabog nga. Iba ang dating talaga. Very meaningful lines indeed, Elmot. The message is also very powerful.
Jena Isle´s last blog ..An Invitation on December 15 for the, "A Puppy, Not a Guppy" Book Tour
elmot
1 day ago
And if you will hear Mam its recorded version, with the background music and the way Ms. Armida delivers each line, I guess you will even have a greater appreciation of the poem.
Iba ang kabog nito, hehehe!
elmot´s last blog ..Showbiz Renegade is Now Open!
Jhong Medina
1 day ago
Very inspirational indeed bro. Question, nang pinakingan mo sya sa cd kinakanta ba o tinutula? Joke!
Jhong Medina´s last blog ..Survival Tips on Your Toddler’s Field Trip
elmot
1 day ago
Heheheh! Actually tinutula Bro, ehehhe! Pero yung dating eh, parang drama sa radyo, eheehhe!
elmot´s last blog ..Revisiting the Maguindanao Massacre